Mahigit 1.5 million na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand sa Rizal park, Manila para sa peace rally na inorganisa ng nasabing religious group.
Ayon sa Manila Police District (MPD), galing ang INC members sa Cavite, Quezon, Nueva Ecija, at Zambales para sa National Rally of Peace.
Sinabi ni MPD deputy Director Police Colonel Emil Tumibay, maayos naman ang sitwasyon habang nagsasagawa ng mga programa sa Quirino Grandstand.
Inilatag ang mga paghahanda para sa nasabing aktibidad nitong Sabado, kung saan may itinalaga na K-9 units sa lugar, at mayroon ding mga inilagay na portable toilets.
Matatandaan na sinabi ng INC na magsasagawa sila ng peace rally para suportahan ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutol sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.