Tahasang ibinunyag ng Cagayan Police Provincial Office na nagiging training ground ng New Peoples Army (NPA) ang isang Barangay sa bayan ng Piat, Cagayan.

Ayon kay PCOL Ariel Quilang, provincial director ng CPPO na batay ito sa mga naging rebelasyon ng mga dating miyembro ng NPA at posibleng naimpluwensiyahan ng makakaliwang grupo ang mga Barangay officials.

Bagamat hindi muna pinangalanan ang Barangay na apektado ng rebeldeng grupo, sinabi ni Quilang na target nilang magsagawa rito ng Community Support Program ngayong taon.

Tinig ni PCOL Ariel Quilang, provincial director ng CPPO

Matatandaang, isinuko kamakailan ng dalawang rebel returnee sa pulisya ang mga teaching materials na ginagamit ng NPA sa pagtuturo sa mga recruits.