Target na makapagtanim ng isang bilyong puno ang pamahalaang lokal sa Bayan ng Baggao sa loob ng tatlong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, umapela si Mayor Joan Dunuan sa publiko at environmental groups na makilahok sa sinimulang “1-billion tree” project.
Kabibilangan ito ng mga fruit-bearing at forest trees na mangga, niyog, narra, mahogany, molave, kamagong at iba.
Sinabi ng bagong alkalde na bibigyan ng pagkilala at cash reward ang bawat indibidwal o grupo na makakakuha ng mataas na puntos sa itatanim na puno at prutas.
Isasailalim din ang mga itatanim sa proseso ng geo-tagging para sa monitoring katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office at ang grupong Zoological Society of London.
Dagdag pa niya na bukod sa nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan ay kikita pa ang mga ito dahil sa mga prutas na itinatanim nila.
Sinimulan ang proyekto sa bahagi ng Duba Cave sa Barangay San Miguel kung saan pormal itong ilulunsad sa buwan ng Setyembre.
—with reports from Bombo Marvin Cangcang