Target ng City Health Office ng Tuguegarao na masuri ang 1,000 indibidwal para malabanan ang epekto ng sakit na tuberculosis.

Ayon kay Dr. Ruben Zingapan ng CHO-Tuguegarao, maaaring sumailalim sa libreng chest x- ray ang 15-anyos pataas na sinimulan na nitong araw ng Lunes at magtatagal hanggang Biyernes, Enero 16, 2026.

Bukod sa free chest X-ray na limitado lamang sa 200 beneficiaries kada araw ay mayroon rin sputum examination para matukoy kung may infection o virus ang respiratory system, HIV screening at testing.

Layunin nitong matukoy ang mga may sakit nito at mabigyan ng libreng treatment para sa TB na tumatagal ng halos anim na buwan.

Kasabay nito, hinikayat ni Dr. Zingapan ang lahat na samantalahin ang naturang libreng serbisyo lalo na sa mga nangangailangan ng health card para sa kanilang business renewal.

-- ADVERTISEMENT --