TUGUEGARAO CITY-Boluntaryong sumuko sa kapulisan ang isang dating miembro ng New peoples Army (NPA) sa Kalinga.

Ayon kay P/col Davy Vincent Limmong, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, nagtungo ang dating miembro ng kilusan na kinilalang si “Ka Jun Jun”, 51-anyos, sa Balbalan Police Station kasama ang kanyang mga kamag-anak para linawin na matagal na siyang hindi aktibo sa kilusan.

Sinabi ni Limmong na batay sa salaysay ni Ka Jun Jub, bago kumalas sa grupo ay siya umano ang captain leader ng grupong Kilusang Larangang Guerilla (KLG) Baggas na nag-ooperate sa Cordillera Region.

Kaugnay nito, kasalukuyan nang pinoproseso ang mga dokumento ni Ka Junjun para matanggal na ang kanyang pangalan sa mga aktibong miembro ng kilusan at ang maaring matanggap na tulong mula sa E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.

Tinig ni P/col Davy Vincent Limmong

Samantala, kasalukuyan ng iniimbestigahan ng kanilang hanay ang mga ibinigay na impormasyon ng sumukong rebelde kung saan madami pa umano sa kanyang mga dating kasamahan ang aktibo pa rin sa grupo.

-- ADVERTISEMENT --