
Patay ang isang binata habang sugatan ang angkas nito matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang bus sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Kinilala ang nasawi na si Marcelo Los Baños, 23-anyos at driver ng motorsiklo, residente ng Barangay Cagoran habang nasa maayos nang kalagayan ang backrider nito na si Jocelyn Antonio Sosa, 16-anyos ng Barangay Naguillian.
Sa imbestigasyon ng pulisya, iniwasan ng motorsiklo na mabangga ang sinusundang tricycle na nawalan ng kontrol sa manibela kung kaya napunta ito sa kabilang linya ng kalsada at sumalpok sa kasalubong na bus na minamaneho ni Candido Tolentino Jr, 54 anyois ng Barangay Macanaya, Aparri.
Pumailalim ang driver ng motorsiklo sa bus at nagtamo ng maraming sugat sa katawan na binawian ng buhay sa pagamutan.




