Dead on arrival sa pagmutan ang isang motorcycle rider habang sugatan ang isang angkas nito matapos silang sumalpok sa barikada sa gilid ng kalsada sa Barangay Barancuag, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang nasawi at driver ng single motorcycle na si Mark Carlo Inovena, 19-anyos habang ang angkas nito ay si Ronald Pamittan, 20-anyos na kapwa residente ng Brgy Bagumbayan.

Ayon kay PMAJ Jhun Jhun Balisi, hepe ng PNP-Tuao, pauwi na ang dalawa na kapwa nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin at walang suot na helmet nang mangyari ang aksidente.

Aniya, nang makarating sila sa pinangyirahan ng insidente ay posibleng hindi umano nakontrol ni Inovena ang manibela ng minamanehong motorsiklo sa pakurbang bahagi ng lansangan dahilan upang mabangga nila ang sementadong barikada na nasa gilid ng daan.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon at nahulog pa ang dalawa kasama ang kanilang motorsiklo sa palayan na may lalim na limang metro.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtamo si Inovena ng malubhang sugat sa katawan na nagresulta ng kaniyang pagkamatay habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa hospital ang angkas na si Pamittan na nagtamo ng fracture sa kanyang kamay.