Nasawi ang isang 63-anyos na babae ang nasawi habang sugatan ang apat na iba pa matapos mawalan ng kontrol ang isang electric shuttle bus at araruhin ang mga pedestrian sa Camp John Hay, Baguio City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-3 ng hapon noong Biyernes nang paakyat sa Scout Hill Road ang shuttle bus nang bigla itong kumabig pakaliwa at bumangga sa isang grupo ng mga naglalakad.

Agad na binawian ng buhay ang biktima habang isinugod naman sa ospital ang apat na sugatan.

Ligtas naman ang limang pasaherong sakay ng shuttle bus.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang 52-anyos na driver at maaari siyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Baguio City at ng John Hay Management Corporation ang tulong para sa mga biktima.

Ayon sa korporasyon, patuloy silang nakikipagtulungan sa pulisya at sa operator ng shuttle bus para sa isinasagawang imbestigasyon.