Isang taiwanese ang nasawi matapos tamaan ng nabuwal na puno habang nagmomotorsiklo habang marami na ang napaulat na nasugatan dahil kay bagyong gaemi sa Taiwan.

Ayon kay Gilda Banugan bombo international news correspondents ng Taiwan, tinamaan ng nabuwal na puno ang isang taiwanese habang nagmomotorsiklo.

Bukod dito ay 60 indibidwal na ang naitalang nasugatan habang 4,000 naman ang inilikas sa bahagi ng Northern Regions ng nasabing bansa partikular na sa Hualien dahil sa posibleng pagkakaroon ng landslide.

Mayroon rin aniya isang sasakyan ang nawasak matapos tamaan ng bato dahil sa lakas ng hangin na dulot ng bagyo.

Sa ngayon ay suspendido ang pasok ng mga mangagawa at mga empleyado kasabay ng malalakas na mga pag-ulan at paghangin sa lugar habang nakastandby na ang mahigit 1,000 mga rubber boats dahil sa posibleng pagbaha sa malaking bahagi ng Taiwan na dulot ng nasabing bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy aniya ang pag papaalala ng Taiwan Government na wag na munang lumabas ng kanilang tahanan upang makaiwas sa anumang disgrasya.

Samantala, maituturing umano na isa ang Supertyphoon Gaemi sa pinakamalakas na bagyo sa bansang Taiwan makalipas ang walong taon.