CTTO

TUGUEGARAO CITY-Dead-on arrival sa pagamutan ang isang lolo na natutulog lamang sa lilim ng puno ng acacia nang salpukin ng isang sasakyan ang kotse na nakaparada malapit sa puno na sanhi ng pagkakaipit sa biktima sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Kinilala ang namatay na biktima na si Regal Adviento, 60-anyos , residente sa Barangay Baybayog habang pito naman ang sugatan kabilang ang isang pulis na si PLT. Zosimo Sambrano, 46 years old, PNP member na naka-assign sa Mallig Police Station, residente sa Brgy. Awallan, Baggao at may-ari ng sasakyan na sumalpok sa nakaparadang kotse.

Ayon kay PEMSgt. Darcoin Callano, imbestigador ng kaso, pauwi na ang pamilya ni Sambrano sa bayan ng Baggao mula sa bayan ng Piat kung saan sila nagsimba nang makaidlip ang anak nitong si John Kevin Sambrano ,19-anyos na siyang nagmaneho sa sasakyan at itinuturing na suspek sa naturang aksidente.

Dumiretyo sa kabilang linya ang sasakyan na sanhi ng pagkabangga sa kotse na nakaparada malapit sa puno ng acacia at dahil sa lakas ng impak ng pagkabangga sumalpok ang kotse sa puno kung saan naipit ang lolo na kasalukuyang natutulog sa lilim ng puno.

Tumagilid naman ang sasakyan na minaneho ng suspek na sanhi ng pagtamo ng sugat sa katawan ng mga sakay nito maliban sa pitong taong gulang na anak din ng pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon,inihahanda na ng PNP-Alcala ang kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property laban sa suspek at nakahanda namang makipag-usap sa panig ng biktima.

Tinig PEMSgt. Darcoin Callano