
Patay ang isang katao sa Bicol Region bunsod ng Super Typhoon Uwan (Fung-wong), ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) nitong Linggo.
Kinilala ang indibidwal na nasawi na taga Viga, Catanduanes at nasawi dahil umano sa pagkalunod dulot ng malawakang pag-baha, bagamat binanggit ng OCD na ang ulat ay isasailalim pa sa beripikasyon.
Sa kabuuan, 1,179,086 katao o 344,413 pamilya na ang sumailalim sa preemptive evacuation mula sa mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas.
Pinakamarami sa kanila ay mula sa Bicol Region na umabot sa 671,254 katao o 196,462 pamilya, habang sa Eastern Visayas naman ay may 259,145 katao o 71,692 pamilya na lumikas.
Sa kasalukuyan, anim na lugar parin ang nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5.










