
Isang sundalo ang nasawi habang apat naman ang nasugatan matapos maaksidente ang isang military truck sa kahabaan ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway sa bayan ng Villasis.
Ayon kay Louie Dema-ala, nakikiramay ang Philippine Army sa pamilya ng nasawing sundalo at kinilala ang serbisyo at sakripisyo nito para sa bansa.
Sinabi rin ng Philippine Army na patuloy na binibigyan ng tulong at agarang medikal na atensyon ang apat na sugatang personnel na kasalukuyang nagpapagamot at mahigpit na mino-monitor ng mga doktor.
Dagdag pa ni Dema-ala, nakikipag-ugnayan na ang militar sa mga kinauukulang awtoridad upang masiguro ang masusing at patas na imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.
Hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga biktima at iba pang detalye ng insidente.




