Tuguegarao City Information Office

Natanggap na ng lungsod ng Tuguegarao ang isang unit ng ambulansya na donasyon mula sa bansang Japan.

Personal itong tinanggap ni Atty Romeo Calubaquib, city administrator na isinagawa sa Bureau of Fire Protection National Headquarters sa Quezon City sa pangunguna ni Interior Sec. Eduardo Año.

Ang naturang emergency vehicle ay para sa Bureau of Fire Protection – Tuguegarao.

Nabatid na nasa 22 emergency vehicles ang ipinasakamay ng gubyerno ng Japan sa pamamagitan ni Japanese Ambassador Koji Haneda.