Photo credit: Baggao Information Office

TUGUEGARAO CITY-Isasailalim sa pitong araw na lockdown ang sampung Barangay sa bayan ng Baggao, Cagayan dahil sa pagtaas ng kaso ng covid-19.

Sisimulan ang lockdown sa Brgy. Asinga-Via, Awallan, Barsat East, Immurung, Mocag, Poblacion, San Isidro, Santa Margarita, Taytay at Tungel mamayang hating gabi na tatagal ng pitong araw.

Kaugnay nito, sinabi ni Baggao Mayor Joan Dunuan na otomatikong hihigpitan ang antas ng quarantine status kung mayroon itong lima at pataas na kaso ng covid-19.

Ipapatupad naman ang curfew hour mula alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga.

Paalala pa ng alkalde na umiiral ang liquor ban sa buong bayan ng Baggao na isa umano sa nakikitang rason sa pagtaas ng kaso ng covid-19 dahil sa hawaan ng mga nag-iinuman.

-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni Dunuan na nakatutok pa rin siya sa sitwasyon sa kanyang nasasakupang bayan kahit na siya’y naka-quarantine matapos magpositibo sa virus.

Matatandaan,unang isinailalim sa lockdown ang Brgy. San Jose na siyang epicenter ng covid-19 sa bayan ng Baggao matapos makapagtala ng mataas na kaso ng virus.