Patay ang 10 katao sa isang high school at residential property sa British Columbia, Canada.

Ito ang itinuturing na pinakamadugo na mass shootings sa Canada sa loob ng ilang dekada.

Ayon sa Royal Canadian Mounted Police (RCMP), agad na rumesponde ang mga pulis sa ulat na may active shooter sa Tumbler Ridge Secondary School kahapon ng hapon, kung saan may nakitang anim katao na namatay at marami ang nasugatan.

Isa pa ang namatay habang dinadala sa ospital.

Ayon sa RCMP, nakita rin na patay na ang pinaghihinalaang shooter na posibleng nagbaril din siya sa sarili.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng RCMP, dalawang biktima ang isinakay sa helicopter para dalhin sa ospital dahil sa matinding pinsala na kanilang tinamo.

Dalawa pa ang nakitang patay sa isang bahay na pinaniniwalaan na konektado sa insidente sa eskwelahan.

Ang Tumbler Ridge Secondary School ay may 175 students mula Grade 7 hanggang 12, batay sa website ng probinsiya.

Iniimbestigahan na ang motibo ng suspek sa pamamaril.