Pinag-iingat ng Public Order and Safety Unit (POSU) Tuguegarao ang mga motorista na dumaraan sa kahabaan ng Pinacanauan Nat Tuguegarao dahil sa maputik na lansangan.
Ganap mang humupa ang baha na dulot ng mga pag-ulan, subalit may mga mahihinang pag-ulan simula kahapon na nagpalapot sa putik na iniwan ng baha.
Ayon kay Ret. Maj Vincent Blancad, head ng POSU, nasa 10 motorsiklo ang sumemplang sa lansangang malapit sa Capatan overflow bridge.
Nagkaroon din ng matinding trapik sa bahagi ng Gonzaga extension mula fish depot hanggang capatan overflow bridge kung kaya sinubukang bombahin ng tubig ang kalsada subalit di umubra.
May makapal na putik rin sa Pinacanauan Nat Tuguegarao corner Aguinaldo St hanggang Cataggamman Rd kung kaya pansamantalang isinara sa lahat ng uri ng sasakyan.