TUGUEGARAO CITY- Patuloy ang monitoring ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa mga COVID-19 suspects na nasa kanilang pangangalaga.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical chief ng CVMC,mula sa 17 na mga “suspects” na kasalukuyang inoobserbahan ng kanilang tanggapan ay 10 na sa kanila ang negatibo sa naturang sakit.

Sa ngayon ay mayroon nalamang aniyang 7 pang natitirang suspected patients na nasa pagamutan.

Dagdag pa rito, sakaling madischarge na lahat ng mga nagnegatibo sa pagsusuri ay isang ward nalang para sa mga suspects o probable ang maiiwang bukas.

Samantala, nabatid pa na ito na ang ika-15 araw na walang naitatalang confirmed COVID-19 positive sa lalawigan ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --