TUGUEGARAO CITY-Kakaunti sa bilang na sampung miyembro lamang ng progresibong grupo ang umanoy nakilahok sa kilos protesta sa lalawigan, kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Duterte noong July 22.

Tinukoy ni Lt Col. Jesus Pagala, commanding officer ng 17th Infantry Batallion na ang grupong nagsagawa ng caravan ay mula sa ilang miyembro ng Anakpawis at Kabataan.

Sinabi ni Pagala na ang kaunting bilang ay resulta umano ng matagumpay na kampanya ng pamahalaan kontra insurhensiya.

Gayonman, naging mapayapa ang naturanag kilos protesta ng mga progresibong grupo na nagmartsa mula sa bayan ng Solana hanggang sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa naturang kilos protesta, ipinanawagan ng naturang grupo ang kanilang pagtutol sa pagbabalik ng mandatory ROTC at ang umanoy operasyon ng black sand mining sa lalawigan na mariing pinabulaanan ng pamahalaang panlalawigan.

-- ADVERTISEMENT --