Sampung paaralan sa Cagayan Valley ang makikilahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes simula sa Lunes, Disyembre 6.

Kabilang sa mga magsasagawa ng in-person classes sa lalawigan ng Cagayan ay ang Tabang Integrated School at Namuccayan Integrated School na matatagpuan sa bayan ng Sto. Niño habang ang pitong Elementary at High School ay mula sa lalawigan ng Isabela.

Pasado aniya ang naturang mga paaralan sa iba’t ibang safety assessment na isinagawa ng kagawaran at Department of Health (DOH).

Bahagi sila ng 177 na paaralang idadagdag sa pilot study ng limited face-to-face classes.

Nabatid na matagumpay na naisagawa ang face-to-face classes sa mga paaralan na unang nakilahok sa implementasyon nito noong Nobyembre 15 kung saan umaasa ang DEPED na mapalawak pa ito sa susunod na taon dahil sa magandang resulta ng pilot run.

-- ADVERTISEMENT --