Masayang ibinalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) na matagumpay na na-repatriate ang sampung Pilipino mula sa Oddar Meanchey Province sa Cambodia nitong Linggo.

Sa tulong ng mga awtoridad ng Cambodia at ng Philippine Embassy sa Phnom Penh, nakauwi na ang mga kababayan natin pabalik sa Pilipinas.

Bukod sa repatriation flight na pinondohan ng DFA sa pamamagitan ng Assistance to Nationals (ATN) Fund, binigyan din sila ng care packages at mainit na pagkain pagdating nila sa Phnom Penh matapos ang siyam na oras na biyahe.

Ayon sa DFA, ang repatriation na ito ay patunay ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at Cambodia.

Muli rin silang nanawagan sa publiko na maging maingat sa mga mapanlinlang na job offers sa social media, na maaaring magdulot ng kapahamakan.

-- ADVERTISEMENT --

Hinihikayat ng embahada ang lahat ng Pilipino sa abroad na laging sumunod sa mga abiso para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon.