Nadagdagan pa ang bilang ng mga police commanders na iniimbestigahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang dahil sa umano’y kapabayaan sa kanilang mga tauhan sa oras ng trabaho.
Ayon kay NCRPO Chief MGen. Anthony Aberin, 28 commanders ang iniimbestigahan ngayon.
Sampu sa mga ito ang subject para sa administrative relief matapos na mabigong ma-justify ang mga nadatnang abandonadong police assistance desks sa isinagawang surprise inspection ng NCRPO
Bukod sa mga ito, may iniimbestigahan din ang NCRPO na mga pulis na may ranggong Patrolman at Corporal na nahuli naman na gumagamit ng cellphone sa oras ng kanilang trabaho.