Inaresto ng mga awtoridad ang trolley driver may kaugnayan sa pagpatay sa 10 taong gulang na babae sa Lupi, Camarines Sur.
Una rito, nakita ng mga awtoridad na walang saplot pang-ibaba ng bata at may sugat sa kanyang ulo sa isang lugar sa Barangay Tanawan.
Ayon sa pulisya, sumama ang bata sa kanyang lola na nagbenta ng mga gulay noong Sabado.
Nang nawawala ang bata, humingi ng tulong ng lola sa mga opisyal ng barangay.
Sa isinagawang pagsusuri sa CCTV, nakita ang video na sumama ang bata sa isang trolley driver, na madalas na inuupahan ng kanyang pamilya sa kanilang pagbebenta ng mga gulay.
Sa pagtatanong ng mga pulis sa suspek, itinanggi niya ang alegasyon subalit umamin din at itinuro kung saan niya dinala ang bata.
Sinabi din ng suspek na pinukpok niya ng bato ang ulo ng bata.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung ginahasa ng suspek ang biktima.