Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Camalaniugan ang sanhi ng pagkasunog ng isang 10-wheeler wing van sa Brgy. General E. Batalla, Camalaniugan, Cagayan noong Enero 4, 2026.

Ayon kay Officer-in-Charge SFO4 Sandro Battung, bandang 3:27 ng umaga ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa insidente.

Agad na rumesponde ang mga tauhan at naideklara ang sunog na under control bandang 3:33 ng umaga, at tuluyang naapula bandang alas-4.

Sinabi ni Battung na batay sa paunang imbestigasyon, habang binabaybay ng sasakyan ang kalsada national highway patungong Aparri, Cagayan, sumabog ang kanang gulong ng harap ng truck, na nagdulot ng pag-apoy ng sasakyan.

Sinikap umano ng mga sakay na apulahin ang apoy, ngunit mabilis itong kumalat dahil sa mga highly combustible na materyales ng truck.

-- ADVERTISEMENT --

Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan.

Wala ring naapektuhang ibang sasakyan o kabahayan.