Tuguegarao City- Lumagda na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa itatayong step up isolation facility ng lungsod.

Sa panayam kay City Mayor Jefferson Soriano, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DPWH ay itatayo ang nasabing pasilidad sa demo farm ng City Agriculture sa bahagi ng Gosi Norte.

Aniya, 100 bed room capacity ang gagawing pasilidad kung saan ay maglalagay din ng aircon at sariling cr sa bawat unit nito.

Paliwanag ng alkalde, malaking tulong ito para maiwasan ang hawaan sa mga tahanan lalo na ngayong dumarami ang mga naitatalang kaso ng covid-19 patients na asymptomatic ang kondisyon.

Sakaling matapos ito ay sinabi niya na kasama sa mga maaaring maserbisyohan ang mga karatig bayan o kabilang “inter-local health zone”.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama dito ang bayan ng Enrile, Solana, Peñablaca at Iguig.

Sinabi nito na ginawa nila ang pakikipag-ugnayan bilang hakbang at tugon ng pamahalaan na maiwasan ang pagdami pa ng local transmission bunsod ng COVID-19.

Inihayag nito na mula noong buwan ng Marso hanggang September 28 ay sumampa na sa 184 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit sa Tuguegarao City.

66 mula rito ang mga active cases, 116 ang recoveries at dalawa naman ang bilang ng nasawi.

Muli ay umapela ang alkalde sa mga residente sa lungsod na sumunod sa mga inilatag na panuntunan upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Tinig ni Mayor Soriano