TUGUEGARAO CITY-Nasa 100 magsasaka ng bawang sa probinsya Batanes ang natulungan ng Department of Trade and Industry (DTI)Region 02 sa ilalim ng walang sayang project.
Sa datos ng ahensiya, nasa tatlong metric tons ng bawang mula sa mga magsasaka sa Itbayat, Batanes ang naibenta sa mga marketing partners ng DTI sa tulong na rin ng nasabing programa.
Layon ng nasabing proyekto na tulungan ang mga magsasaka, producers, micro small and medium enterprises na maibenta ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng paghahanap ng mga buyers.
Nabatid na pahirapan ang pagbyahe sa mga agricultural products sa nasabing probinisya dahil sa travel restriction sa ipinatutupad sa ilalim ng community quarantine.
Kaugnay nito, umabot sa isang milyong piso na fresh at process food ang naibenta ng mga magsasaka sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Agriculture (DA)region 02.