TUGUEGARAO CITY- Binigyan ng legal advice ni Councilor Atty. Marjorie Chan ng Tuguegarao City ang 100 solo parent kaugnay sa kanilang karapatan at mga benepisyo na matatanggap sa ilalim ng Solo Parent Welfare Act.

Kasabay ng aktibidad ang pagpaparehistro sa mga nasabing solo parent.

Sinabi ni Chan na isa sa kanyang advocacy ay mairehistro ang lahat ng solo parent sa lungsod upang sa hinaharap kung may mga bagong batas na magbibigay ng mas malawak na benepisyo sa mga ito ay agad na matutukoy ang mga nararapat na makatanggap.

Bukod dito, sinabi ni Chan na ito ay upang malaman din ang bilang ng mga solo parent na maaaring makatulong upang agad na tugunan ang pangangailangan ng mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Chan na hindi kasi malinaw sa batas para sa mga solo parent ang mga benepisyo na dapat nilang matanggap.

Idinagdag pa niya na mahina ang implementasyon ng mga nakasaad sa batas na dapat na priority ang mga indigent solo parent ang scholarship at housing projects ng pamahalaan at wala rin silang ibang privileges tulad ng tinatamasa ng persons with disabilties at senior citizens.

ang tinig ni Atty. Chan

Batay sa datus ng City Social Welfare Development Office, nasa 1,000 na ang solo parent na nakarehistro sa Tuguegarao City.