TUGUEGARAO CITY-Namahagi ng 1,000 family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)Region 2 para sa mga apektado ng Taal eruption.
Ayon kay Chester Trinidad, information officer ng DSWD-Region 2, dinala sa kanilang central office ang mga family food packs na naglalaman ng bigas, delata at iba pa na magtatagal hanggang dalawang araw para sa pamilya na may limang miembro.
sa ngayon, sinabi ni Trinidad na wala pang nire-request na non-food items pero tiniyak nito ang kanilang kahandaan para sa karagdagang augmentation kung sakaling kailanganin.
Vc Trinidad Jan 14
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, bukas ang tanggapan ng DSWD-region 2 sa mga nais magpadala ng tulong para sa mga residenteng apektado ng pag-alburoto ng bulkang Taal.