TUGUEGARAO CITY-Makakatanggap ng refund ang mahigit 1,000 na nagbayad ng kanilang radio frequency identification mula sa tanggapan ng Land transportation office(LTO).

Ayon kay Manny Baricua ng LTO-Region 2, ibabalik ng kanilang tanggapan ang P350 na unang ibinayad ng ilan sa kanilang mga kliyente kung saan may P9 interest.

Matatandaan, nitong 2009 nang magkaroon ng kasunduan ang LTO at stradcom corporation para sa radio frequency identification,isang uri ng micro chip na naglalaman ng impormasyon ukol sa sasakyan at sa may-ari ng sasakyan na idineklarang illegal ng korte suprema.

Aniya, ngayong araw magsisimula ang refund para sa mga claimants sa sampung distrit at extension offices ng LTO kung saan makakatanggap ng tig-P359.

Kaugnay nito, sinabi ni Baricua na makukuha ang pera sa office na kung saan nagbayad ng RFID.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ang naturang kasunduan ay may halagang P 2.45 bilyon noong panahon ni dating pangulong gloria Macapagal Arroyo.