Department of Public Works and Highway

TUGUEGARAO CITY-Mahigit isang libong silid-aralan ang naipatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region II at handa nang gamitin ng mga mag-aaral sa Lunes,unang araw ng pasukan para sa school year 2019-2020.

Ayon kay Wilson Valdez, tagpagsalita ng DPWH region II, walong gusali ang naipatayo sa Batanes, sa Cagayan, 66 sa unang distrito, 53 sa pangalawang distrito, sa unang distrito naman ng Isabela ay 18 ,pangalawang distrito 33, pangatlong distrito 29 at sa pang-apat na distrito ay 81.

Sa Nueva Vizcaya naman ay dalawa sa unang distrito, 32 sa pangalawang distrito at 19 sa Quirino na may kabuuang bilang na 341 sa buong Rehiyon.

Aniya, ang proyekto ay mayroong pondo na umaabot sa P4.8 bilyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Valdez na sinisiguro umano ng kanilang ahensiya na matibay ang mga naipatayong gusali at hindi basta basta masisira ng mga dadaang bagyo o anumang kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nagbigay na umano ng memorandum ang DPWH sa contractor ng ginagawang kalsada sa Brgy. Nassiping, Gattaran para atasan na bigyan ng agarang aksyon at bilisan ang pagsasaayos ng naturang daan.

Ani ni Valdez, tinitignan narin umano ng kanilang ahensiya kung sino ang nagkulang at kung sino ang maaring panagot sa pagkadelay ng pagsasaayos ng naturang kalsada.

Sinabi ni Valdez na kung mapapatunayang may nagkasala sa nasabing usapin ay mapapanagot at mahaharap sa kaukulang parusa.