Boluntaryong nagpabakuna kontra COVID-19 ang isang 104- taong gulang na lolo sa bayan ng Allacapan, Cagayan.
Ayon sa doctor to the barrio na si Dr. Krizel Barcena Quines na hindi nagdalawang isip na magpabakuna noong May 21 ang centenarian lolo na si Isidoro Agpoon ng Barangay Labben na pinakamatandang tumanggap ng unang dose ng bakuna.
Sinabi umano ng lolo na wala siyang naramdamang sakit o side effect makaraan ang pagtuturok sa kanya ng Aztrazeneca vaccine hanggang sa makauwi ito sa kanyang tahanan.
Hinangaan din ni Dr. Quines si lolo Isidoro dahil malakas pa ito at nakakalakad pa, maliban lamang sa mahina na ang kanyang pandinig.
Kasama ng lolo na umasiste sa kanyang pagbabakuna ang anak nito na naunang naturukan ng COVID-19 vaccine.
-- ADVERTISEMENT --