Nailigtas ng pulisya ang nasa 11 kababaihan sa ikinasang entrapment operation laban sa isang KTV bar na pugad ng prostitusyon sa bayan ng Gonzaga.

Nabatid na ibinebenta ang mga babae sa halagang P1,500 bawat isa sa mga kliyente ng bar na matatagpuan sa Barangay Smart.

Nahuli ang suspek na si Lerma Sumajit, 47-anyos ng Baranagy Progressive makaraang tumanggap ng P3,000 marked money bilang kabayaran sa dalawang napiling babae ng pulis na nagpanggap bilang kustomer.

Kasama sa mga narescue sa tinaguriang white slave trade ang siyam pang babae na nagtatrabaho sa lugar.

Nakumpiska rin sa suspek ang mahigit P20,000 na bahagi ng kita sa bar kagabi.

-- ADVERTISEMENT --