Labing-isang barangay sa bayan ng Amulung, Cagayan ang isolated dahil sa pag-apaw ng Cagayan river kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Ayon kay Amulung Mayor Elpidio Rendon, bagamat ilan sa mga kabahayan ay hindi naabot ng baha subalit pahirapan ang pagpunta sa ilang barangay dahil sa nag-overflow na mga tulay.
Kabilang sa mga isolated barangay ay mula sa Northern, Southern at Western part ng Amulung kung saan naitala ang 15 pamilya na binubuo ng 55 indibidwal ang nailikas.
Dagdag pa ng alkalde, nagsagawa na rin ang lokal na pamahalaan ng distribution of relief packs sa mga Barangay na naapektuhan ng nasabing baha.
Matatandaan na ang tubig-ulan na ibinuhos ng bagyo mula sa mga probinsiya ng Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, at Isabela ay napunta sa Cagayan river, dahilan para mag-overflow ang tubig sa ilog.