Tuguegarao City- Nasa labing isa (11) na mga COVID-19 confirmed patients ngayon ang nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Sa pinakahuling tala ng CVMC, 5 sa mga pasyente ang mula sa Cagayan, 5 ay mula sa Isabela, at isa naman sa Tabuk City, Kalinga.
Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, ang pinakahuling naitala sa lalawigan ng Cagayan ay ang 24 anyos na babae, buntis at nagtatrabaho sa Pasay City na mula sa Brgy. Catayauan, Lallo.
Gayonman ay minomonitor din ng CVMC ang siyam (9) na naitalang suspected cases ng COVID-19.
Sa ngayon ay asymptomatic o nasa maayos na kalagayan naman aniya ang mga pasyenteng nasa kanilang tanggapan.
Muli pang tiniyak ni Dr. Baggao ang kahandaan ng kanilang tanggapan upang tumulong sa pangangalaga at sa mabilis na pagrekober ng mga pasyente ng COVID-19.