Nakauwi na sa bansa ang natitirang 11 Pilipinong tripulante ng MV Magic Seas, ang barkong inatake kamakailan ng Houthi rebels sa Red Sea.
Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Sabado ng gabi at sinalubong ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Nauna nang dumating sa Pilipinas ang anim na tripulante noong Biyernes ng gabi.
Tatlo sa kanila — ang chief officer, 2nd officer, at 3rd officer — ay lumapag sa NAIA Terminal 1, habang ang tatlo pang kasamahan nila ay dumaan sa Clark International Airport.
Pagdating sa bansa, sasailalim ang mga seafarer sa reintegration program na inihanda ng gobyerno para sa kanilang maayos na pagbabalik sa kani-kanilang pamilya at komunidad.
-- ADVERTISEMENT --