
Huli ang 11 indibiduwal dahil sa pagsusugal sa lalawigan ng Cagayan kahapon, Enero 11.
Unang naaresto ang anim sa magkakahiwalay na operasyon sa bayan ng Aparri dahil sa larong tong-its
Ang pagkakahuli sa mga ito ay bunsod ng impormasyong natanggap mula sa isang concerned citizen na agad namang inaksyonan ng PNP Aparri.
Sumunod namang naaresto ang tatlo pang indibiduwal sa bayan ng Lasam dahil pa rin sa parehong uri ng ilegal na pagsusugal.
Ang operasyon ay isinagawa ng PNP Lasam matapos makatanggap ng ulat mula rin sa isang concerned citizen.
-- ADVERTISEMENT --
Tatlo pa ang nadakip sa bayan ng Rizal habang aktuwal na naglalaro ng pitches na may pustahan.
Ang mga ito ay nahuli ng PNP Rizal sa pamamagitan din ng impormasyong ibinigay ng isang concerned citizen.










