TUGUEGARAO CITY-Nananatili sa pagamutan ang anim na sakay ng isang tricycle na nasugatan matapos mabangga ang kanilang tricycle ng van sa Iguig, Cagayan.

Sinabi ni Police. Corporal Jonard Claro, sa kanilang imbestigasyon, patungong north direction ang tricycle na minaneho ni Joseph Arao nang makasalubong at mabangga sila ng van na minaneho naman ni Rodolfo Vargas.

Sakay ng tricycle ang kanyang asawa na si Rica at anak na si Alliyah at dalawang kamag-anak na sina Rema, Liam at Luke Aluvida habang sakay naman ng van ang mag-asawang sina ang mag-asawa na sina Mark at Ellaine Marie ay kanilang mga anak na sina Davin,8, at Dylan,3.

Ayon kay Claro, sinabi ng driver ng van na hindi niya napansin ang kasalubong na tricycle dahil sa pababa at pakurbada ang daan kung saan nangyari ang aksidente sa Brngy. Redondo.

Sinabi pa ni Claro na nagkasundo ang magkabilang panig na sasagutin ng driver ng van ang gastusin sa pagamutan ng mga sakay ng tricycle.

-- ADVERTISEMENT --