TUGUEGARO CITY- Umaasa si Ruperto Maribbay, director ng Department of Interior and Local Government sa Cagayan na makukuha ng 10 bayan at isang lungsod sa lalawigan na kinabibilangan ng Iguig, Solana, Buguey, Lallo, Camalaniugan, Gonzaga, Sta. Teresita, Gattaran, Sanchez Mira, Allacapan at Tuguegarao City ang Seal of Good Local Governance Award.

Sinabi ni Maribbay na kasama ang mga nasabing lugar sa national nominee para sa nasabing pagkilala at kasalukuyan na ang ginagawang evaluation sa mga ito ng DILG central office.

Ayon kay Maribbay, mahalaga para sa isang bayan, lungsod at sa probinsiya ang nasabing award dahil dito nakikita ang magandang performance sa pamamahala.

ang tinig ni Maribbay

Dahil dito, hinamon ni Maribbay ang mga hindi nakasama sa nasabing nominasyon na pagsumikapan ito.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, ang pagkakaroon din ng nasabing award ang basehan ng ayuda na ibibigay ng pamahalaan sa isang LGU sa ilalim ng Performance Challenge Fund.

Ang isang munisipalidad ay tatanggap ng P3-m, P4.5-m naman sa lungsod at P7-m sa probinsiya.

Matatapos ang evaluation sa mga nasabing LGU sa Biernes.

muli si Maribbay