TUGUEGARAO CITY- Inihayag ng Civil Service Commission (CSC)-Region 02 na mayroong 11 na indibidwal na napili bilang Most Outstanding Public Officials and Employees 2020 sa rehiyon.

Ayon kay Nerissa Canguilan, Director ng CSC-Region 02, sa “PAGASA award category ” ay dalawa ang nakapasok sa individual at isa sa group category.

Sa individual category, napili si Master Teacher 2 Rene Rose Labasan ng DEPED-Schools Division Office (SDO) ng Nueva Vizcaya at Teacher 3 Aida Paraguison ng SDO-Isabela habang sa group category ay ang Department of Agriculture (DA) Regional Field Office No. 02 (RFo2) food safety advocate.

Pito naman ang nakuha sa “Presidential lingkod bayan award category” kasama si Isabela state University (ISU) President Ricmar Aquino, ISU Professor Orlando Bardelama , Commission on Audit (COA) State Auditor IV Myra Eliza Quarteros, DEPED-Santiago City Principal III Eloisa Dizon, Campus Executive Officer Engr. Athur Ibañez ng Cagayan State university (CSU) Carig Campus , Dr. Lenimfa Molina ng CSU-Aparri at Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.

Kaisa-isa namang napili si Jail Senior Inspector Mark Anthony Saquing para sa “Dangal ng Bayan Category”.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Canguilan na isasagawa ang national awarding ceremony sa buwan ng Disyembre kung saan umaasa siya na mapapasama sa mga tatanghalin ang mga nabanggit na opisyales.

Tinig ni Nerissa Canguilan

Samantala, umabot sa 5,801 ,842 na job seekers sa buong bansa ang bumisita sa kanilang website kasabay ng kanilang isinagawang online Job Fair nitong nakalipas na linggo.

Mula sa nasabing bilang, 225,838 ang nagbigay ng data sheet mula sa 705 na agencies na nakiisa sa naturang aktibidad kung saan 50 ay galing sa rehiyon dos.

Aniya, sampung libong trabaho ang kanilang binuksan kung saan 430 ay mula sa rehiyon.

Batay sa kanilang monitoring kasama sa most visited agency ay ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG, Department of Education (DepEd) at Land bank Of the Philippines habang ang top most viewed job ay Administrative Assistant, Data Encoder at Administrative Assistant B.

Sa ngayon, wala pa umano ang resulta kung ilan ang natanggap sa trabaho dahil kasalukuyan pang pinag-aaralan at inaayos ang mga dokumento ng mga applikante.

Bagamat natapos na ang Job Fair, hinimok ni Canguilan ang mga naghahanap ng trabaho na ugaliing bisitahin ang kanilang website para maging updated sa mga agencies na nangangailangan ng mga bagong empleyado.

Tinig ni Nerissa Canguilan