Tuguegarao City- Itinuturing na record breaking ang pagkakatala ng 11 na bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw nitong Hulyo 14 sa lambak ng Cagayan.
Sa huling datos ng Department of Health Region 2, umakyat na sa 183 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa rehiyon habang ang limang karagdagang pasyenteng nasa rehiyon ay inilista sa talaan ng National Capital Region.
Kabilang sa mga naidagdag ay sina CV178, 34 anyos na lalaking OFW mula Mallig, Isabela; CV179 na lalaking OFW mula Quezon, Isabela; CV180, 41 na babaeng galing Caloocan City mula Delfin Albano; CV181, 28 na babaeng galing ng Paranaque City at mula bayan naman ng Aurora, Isabela.
Nagpositibo rin sa virus sina CV182 na 9 anyos na lalaking galing ng Caloocan City, mula sa Lasam; CV183, 15 anyos na babae at CV184, 21 anyos na lalaki kapwa mula Camalaniugan at galing ng Caloocan City; CV185, 35 anyos na lalaking LSI mula Alfonso Castanieda.
Dagdag pa rito ay naisama din sa listahan sina CV186 na 48 anyos na lalaki; CV187 na 41 anyos na lalaki at CV188 28 anyos na lalaki, mga pawang mula sa kalakhang Maynila at nagtungo sa Cagayan upang magtrabaho bilang mga construction worker.
Sa ngayon ay naka isolate na sa mga quarantine facilities ang mga pasyente habang isinasagawa na rin ng DOH region 2 ang contact-tracing para sa posibleng nakasalamuha nila.