Ipinakulong ng isang korte sa Nigeria ang 15 foreign nationals; lahat ay Asians, dahil sa “”cyber-terrorism and internet fraud.”

Ayon kay Economic and Financial Crimes Commission (EFCC) spokesman Dele Oyewale, 11 Filipino, dalawang Chinese, isang Malaysian at isang Indonesian ang nahatulan na makulong ng isang taon at may multa na one million naira o $60 bawat isa.

Ito ay matapos na mag-plead guilty ang mga ito sa Lagos.

Inakusahan sila ng pag-recruit ng mga young Nigerians ng identity theft.

Sinabi ni Oyewale na ipinag-utos din ng judge na kunin at ipasakamay sa federal government ng Nigeria ang mga devices na nakuha mula sa mga nahatulan.

-- ADVERTISEMENT --

Kilala ang Nigeria, ang may pinakamaraming populasyon sa Africa, ay may reputasyon para sa internet fraudsters na ang tawag sa local slang na “Yahoo Boys.”

Ayon sa EFCC, madalas na target ng scams ang Americans, Canadians, Mexicans at Europeans.

The EFCC has busted several hideouts where young criminals learn their scams.