Tuluyan nang tinanggal sa serbisyo ang 11 Special Action Force o SAF personnel na dawit sa moonlighting activity.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil, sinang-ayunan niya ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service na pagtanggal sa mga SAF members na kinabibilangan ng isang Liuetenant Colonel, apat na kapitan, isang Liuetanant, isang Executive Master Sergeant, dalawang Senior Master Sergeant, isang Corporal, at isang Patrolman.
Suspendido naman ng 31 araw ang isa pa dahil sa simple neglect of duty at less grave neglect of duty habang pinawalang-sala ang tatlong iba pa dahil sa insufficient evidence.
Nag-ugat ang kaso makaraang matuklasang dawit ang mga SAF trooper sa moonlighting bilang security sa isang Chinese national na walang proper authorization.
Napatunayan ding nagsabwatan ang mga ito para palabasin na naka-duty ang kanilang kasamahan, pero may sideline pala bilang security escorts.