
Pinalikas ang 110 Pilipino mula sa border provinces kasunod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia, ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz Paredes.
Ayon kay Paredes, nagsimulang pinalikas ng mga lokal na awtoridad ang humigit-kumulang 400,000 residente sa border nitong Linggo, kabilang ang mga Pilipino.
Isiniwalat ng ambassador na may humigit-kumulang 40,000 Pilipino sa Thailand, karamihan ay English teachers, kabilang ang 356 na nakatira malapit sa pitong border provinces.
Sa mga ito, 110 ang inilikas mula sa apat na probinsyang direktang apektado ng tensyon.










