
Umaabot na sa 113 aftershocks ang naitala sa magnitude 6.0 na lindol sa General Luna, Surigao del Norte kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, hindi naman naramdaman ang nasabing mga pagyanig.
Ang lakas ng afterschocks ay magnitude 1.2 hanggang 4.4.
Kaugnay nito, pinayuhan ni PHIVOLCS chief Dr. Teresito Bacolcol ang mga apektadong mga residente na kumonsulta muna sa mga eksperto bago bumalik sa kanilang mga tahanan para sa kanilang kaligtasan.
Sinuspindi ang ilang pasok sa paaralan at sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ilang oras dahil sa nasabing pagyanig.
-- ADVERTISEMENT --
Nagtayo naman ang General Luna ng tatlong evacuation centers para sa mga apektadong residente.