Umaabot sa 113 na katao ang hinuli dahil sa pambabato, pagsira sa mga ari-arian, at pagsusunog ng mga gulong sa isinagawang kilos protesta kahapon laban sa katiwalian, hanang 93 na pulis ang nasugatan.
Ayon sa Manila Police District na 51 indibidual ang hinuli sa Ayala Bridge, 38 ang adults, at dalawang menor de edad ang ipinasakamay sa Manila Reception and Action Center, at 11 menor edad ang inaalam pa ang kanilang partisipasyon sa nasabing insidente.
21 naman ang hinuli sa Mendiola, 14 ang adults at pito ang menor de edad, at 41 sa Recto, 13 ang adults at 28 ang minors.
Ayon sa MPD sa mga nasugatang mga pulis, walo ang nagtamo ng lacerations habang ang siyam ay dinala sa Philippine National Police General Hospital para obserbahan.
Isang pulis ang kinailangan na ma-confine dahil sa pinsala sa kanyang ilong.
75 pulis din ang nagtamo ng mga sugat at nilapatan ng first aid subalit hindi na sila dinala sa ospital.
Kaugnay nito, sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) president Renato Reyes na walang kaugnayan sa kanila ang grupo na sangkot sa nasabing kaguluhan, kung saan sinabi na maging siya ay nasugatan sa insidente.
Sinabi naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla na karamihan sa mga nambato sa mga pulis sa Ayala at Mendiola ay mga minors.
Nagsimula ang kaguluhan nang magsunog ang mga hindi nakilalang mga indibidual ng maraming gulong sa harapan ng shipping container na ginamit ng mga awtoridad na harang.
Binato ng mga botelya, pintura at mga bato ang mga pulis na napilitan na gamitin ang kanilang riot shields para protektahan ang kanilang mga sarili.