Binigyan ng 15-araw ang labing-dalawang establisyimento sa lungsod ng Tuguegarao na tumugon sa show-cause order na inisyu ng Social Security System (SSS).

Ito ay dahil sa hindi umano pagbabayad ng mga employers ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado.

Sa panayam kay Atty. Voltaire Agas, senior vice-president ng SSS, sinabi niya na sakaling mabigo ang mga employers na magpaliwanag ay maaari silang masampahan ng kasong kriminal na posibleng mauwi ng hanggang 12-taong pagkakakulong.

Una rito, pinangunahan ni Agas ang pagsugod sa mga establisyimento sa lungsod at pagpaskil ng show cause order sa kanilang kampanya na “Run After Contribution Evaders” (RACE) na naglalayong habulin ang mga delingkwenteng employers.

Sinabi ni Agas na responsibilidad ng mga employer na i-rehistro at ipa-miyembro ang kanilang mga tauhan sa pension fund.

-- ADVERTISEMENT --

Narito ang listahan ng 12 establisyimento na inisyuhan ng show cause order ng SSS:

1. Carbonel Funeral Home (Buntun)

2. Annbida Motorparts (Buntun)

3. Garpa Manpower Services (Tanza)

4. RDI Construction Company

5. Star Studio Digital Network

6. Dreamworks Digital Studio

7. Pacers Shoe Store

8. CAS Enterprises

9. Helen Encarnacion/Cut Encarnacion

10. Tuguegarao Emporium

11. Trendy Store

12. Reynaldo Encarnacion/RL Encarnacion Salon