
Labing dalawang katao ang nakuha at dinala sa mga pagamutan mula sa landslide sa landfill site sa Cebu City.
Sinabi ni Cebu Mayor Nestor Archival, ang pito ay dinala sa Visayas Medival Center at ang lima ay sa Cebu North General Hospital.
Ayon kay Archival, patuloy ang paggagamot sa mga nasa ospital na mga biktima.
Sinabi din niya na magbibigay ang lokal na pamahalaan ng burial assistance at suporta sa pamilya ng isang namatay sa insidente.
Samantala, patuloy ang ginagawang search, rescue, at retrieval operation sa mga nawawala.
Sinabi ni Archival na magtatayo sila ng tents at shaded areas sa lugar na masisilungan at tulong sa mga pamilya at mga kamag-anak ng mga apektadong mga manggagawa ng nasabing pribadong landfill site.
Ayon kay Archival, kabuuang 333 personnel ang kanilang itinalaga sa lugar.
Nangako siya na gagawin nila ang mga nararapat na hakbang para matiyak ang kaligtasan, transparency, accountability, at compassionate assistance habang nagpapatuloy ang operasyon sa mga nawawala.










