Tuguegarao City- Inaasahang alas-8 ngayong araw makakarating ng San Fernando, Launion ang 12 kataong na-stranded sa Batanes bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa luzon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay LT Comander Rodney Cudal Civil Miliraty Operations Officer ng ng Naval Forces of Northern Luzon, nagdala ang kanilang grupo ng mga gamot at Personal Protective Equipment sa lugar at ng umuwi ang barkong sinakyan nila ay isinabay na ang mga na stranded matapos dumaan sa 14-days quarantine sa Batanes.
Aniya, nakipag-ugnayan na sila sa mga Local Government Unit (LGU) na nakakasakop sa 12 na nastranded upang masundo ang mga ito sa oras na lumapag sa mainland ng San Fernando, Launion.
Batay aniya sa ginawang pagsusuri ay negatibo ang sila sa COVID-19 kaya’t isinakay na ang mga ito upang makauwi sa kanikanilang mga lugar.
Nabatid na ang ilan sa kanila ay nagtungo sa batanes upang mamasyal habang ang iba ay may personal na lakad para sa negosyo at naabutan lamang ng ipinatupad na lockdown.
Samantala ang 12 kataong na stranded sa Batanes ay galing ng Baguio City, Cavite, Manila at Pangasinan.