Nasa karagatan pa ang sentro ng bagyong Leon.

Huling namataan ang bagyong Leo sa layong 735 kilometers east ng Casiguran, Aurora o 780 km east ng Echague, Isabela.

Ito ay may taglay na lakas ng hangin na 95 lm/h malapit sa gitna at may pagbugso na 115 km/h.

Kumikilos ito sa direksiyong westward sa bilis na 20 km/h.

Sa forecast track ng bagyo, posibleng tumama o hindi ang bagyo sa Batanes group of islands o sa Babuyan group of islands.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan na ito ay magiging ganap na bagyo bago tuluyang pumasok sa dulong hilagang Luzon, at maaaring kumilos ng may kalapitan sa Batanes area sa Miyerkules o Huwebes.

Hindi inaalis ang posibilidad na lalo pang lalakas ang bagyo at maabot ang typhoon category sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras.

Bagamat malayo pa ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), itinaas na ang signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga, eastern portion ng Mt Province, eastern portion ng Ifugao, eastern portion ng Quirino, northern portion ng Aurora, at northern portion ng Catanduanes.