Magkakaroon ng public auction ang Bureau of Customs para sa 12 luxury vehicles sa April 28, 2026.

Isasagawa ang sealed bidding alas-10 ng umaga sa Conference Room ng BOC sa Port Area, Manila.

Kabilang sa mga isusubastang sasakyan ang mga high-end models gaya ng Toyota Alphard, Lexus, Range Rover, at BMW.

Kasama rin sa listahan ang mas mamahaling units tulad ng Rolls-Royce, Ferrari, Mercedes-Benz, at McLaren.

Ayon sa BOC, isasagawa ang subasta sa pamamagitan ng sealed bidding kung saan maaaring magsumite ng alok ang mga interesadong bidder.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ng ahensya na ma-dispose ang mga nakumpiskang sasakyan at makalikom ng kita para sa pamahalaan.