TUGUEGARAO CITY- 12 lamang mula sa 42 na inimbitahan na mga kandidato sa Cagayan ang dumalo sa covenant signing sa St. Peter Metropolitan Cathedral, Tuguegarao City kaninang umaga.

Kabilang sa mga dumalo ay si incumbent Congressman Joseph Lara sa 3rd district at Congressman Ramon Nolasco ng 1st district habang sa tatakbo naman sa gobernador ay tanging si Dr. Zara Lara ang dumalo habang sa vice governor naman ay si incumbent Vice Governor Melvin Vargas Jr.

Walo naman ang dumalo sa mga tatakbo sa pagkabokal o board member na sina Alexander Pagulayan at Florence Oliver Pascual ng 1st district, Edwin Guillermo, Alfonso Llopis at Floricadel Trilles sa 2nd district at sina Atty. Mila Catabay-Lauigan, dating Vice Governor Leonides Fausto at Pastor Ross Resuello sa 3rd district.

Kabilang naman sa mga opisyal ng pamahalan na naging saksi sa nasabing aktibidad ay sina BGen. Steve Crespillo ng 501st Infantry Brigade, PCol. Renell Sabaldica, director ng PNP Cagayan, Engr. Ruperto Maribbay ng DILG at Atty. Irving Calauad, election officer ng COMELEC Cagayan.

Pagkatapos ng covenant signing ay nagkaroon din ng candle lighting at pagpapalipad ng mga kalapati na simbolo ng kayapaan at pagkakaisa.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Crespillo na layunin ng nasabing aktibidad na matiyak ang payapa at malinis na halalan.